Linggwistiks 150
Ang Pamilya ng mga Wikang Austronesyano. 3ng unit.
Isang
panimulang survey ng pamilya ng mga wikang Austronesyano at ang
posisyon ng mga wikang Pilipinas sa loob ng pamilyang ito.
Prereq: Lingg 110
Sa pagtatapos ng kurso, ang estudyante ay inaasahang magkaroon ng kakayahang:
- makilala ang kabuuang pamilya ng mga Wikang Austronesyano (An) at ang mga kabilang rito;
- malaman ang iba’t ibang teorya sa pinagmulan, distribusyon, at ebolusyon ng mga wikang An at ng mga populasyong nagsasalita ng mga ito;
- makita ang puwesto ng mga Wikang Pilipinas (WP) sa loob ng pamilyang ito;
- malaman ang iba’t ibang teorya ukol sa pinagmulan, distribusyon, at ebolusyon ng mga WP; at
- magawang ilapat ang mga metodo at konsepto ng diyakronikong lingguwistika sa konteksto ng An at mga WP.
- Teacher: Vincent Christopher Santiago