Linggwistiks 1

Ikaw at ang Wika Mo. 3ng unit.

Sa pagtatapos ng kurso, ang estudyante ay inaasahang magkaroon ng kakayahang:

1)     Matukoy at maipaliwanag ang pinagmulan, mga katangian, at bisa ng wika sa pang-araw-araw na paggamit nito;

2)     Matalakay ang kahalagahan ng wika bilang produkto ng kaalaman ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan;

3)     Matukoy ang mga ugnayan ng mga wika sa Pilipinas sa iba pang mga wika sa mundo;

4)     Masuri ang katayuan ng mga wika sa Pilipinas, gayundin ang mga problemang pangwika sa bansa; at

5)     Maiugnay sa iba pang mga larangan ang siyentipikong pag-aaral sa wika.