DESKRIPSIYON NG KURSO
Pagsusuri sa mga gawaing pangwika tungo sa pagpaplano para sa wikang pambansa ng Pilipinas
PANGKALAHATANG LAYUNIN
Suriin ang mga direksiyon ng mga gawaing pangwika na isinasagawa ng mga ahensiya, institusyon, organisasyon, at iba pa kaugnay ng pagbuo, pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang pambansa ng Pilipinas tungo sa pagmumungkahi ng epektibo at angkop na pagpaplano para dito.
INAASAHANG PAGKATUTO
Sa pagtatapos ng kurso ang mga mag-aaral ay inaasahang:
- natutukoy ang depinisyon, kalikasan, at pilosopiya ng pagpaplanong pangwika bilang bahagi ng larang ng sosyolingguwistika;
- natatalakay ang mga elemento, prinsipyo at mga hakbang sa pagpaplanong pangwika bilang teorya ayon sa pagtukoy dito ng mga teorista at sosyolingguwista;
- nailalahad ang pinagdaanan ng wikang pambansa mula sa pagkilos ng mga ahensiya, institusyon, at organisasyon;
- nasusuri ang mga pangunahing isyu kaugnay ng pagpaplanong pangwika para sa wikang pambansa ng Pilipinas; at
- nababalangkas ang mga hakbang na maaaring gawin ukol sa mga problema/isyu kaugnay ng wikang pambansa.
- Teacher: Jayson Petras