Layunin ng kursong ito na tuklasin at masuri ng mag-aaral ang bisa ng panitikan bilang lenteng kultural para sa higit na pag-unawa sa mga kasalukuyan isyu't usapin na may kinalaman sa kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng kursong ito, inaasahang magkakaroon ng higit na kamalayan ang mga mag-aaral sa mahigpit na ugnayan ng panitikan at karapatang pantao bilang mga diskursong panlipunan. Inaasahan ng kursong ito na makabuo ang mag-aaral nang malikhain at kritikal na suri kung sa paanong paraan maaaring unawain ang karapatang pantao bilang diskursong panlipunan gamit ang panitikan bilang lunasaran. Sa ganito, nabubuo sa mag-aaral ang pagpapalalim ng kanyang kamalayan upang aktibong makibahagi sa pagsulong at paggalang sa karapatang pantao.

- Teacher: Rommel Rodriguez