Linggwistiks 1 WFV 2nd Sem, AY 2022-2023

Ikaw at ang Wika Mo. 3ng unit.

Sa pagtatapos ng kurso, ang estudyante ay inaasahang magkaroon ng kakayahang:

  1. Matukoy at maipaliwanag ang pinagmulan, mga katangian, at bisa ng wika sa pang-araw-araw na paggamit nito;
  2. Matalakay ang kahalagahan ng wika bilang produkto ng kaalaman ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan;
  3. Matukoy ang mga ugnayan ng mga wika sa Pilipinas sa iba pang mga wika sa mundo;
  4. Masuri ang katayuan ng mga wika sa Pilipinas, gayundin ang mga problemang pangwika sa bansa; at
  5. Maiugnay sa iba pang mga larangan ang siyentipikong pag-aaral sa wika.

Linggwistiks 140 WFU 2nd Sem, AY 2022-2023

Introduksyon sa mga Gramatikal na Teorya. 3ng unit.

Prereq: Lingg 130.

Sa pagtatapos ng kurso, ang estudyante ay inaasahang magkaroon ng kakayahang:

  • Maipaliwanag ang pag-unlad (development) ng iba't ibang lingguwistikong teorya at tradisyon;
  • Maipakita ang kaalaman sa mga sosyo-historikal na konteksto ng mga teorya at tradisyong ito;
  • Matalakay ang mga pangunahing pagkakapareho at pagkakaiba ng mga gramatikal na teoryang ito; at
  • Maiugnay ang mga gramatikal na teoryang ito sa datos mula sa mga wikang Pilipinas na alam nila.

Linggwistiks 180 THU 2nd Sem, AY 2022-2023

Mga Problemang Pangwika sa Pilipinas. 3ng unit.

Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  • magkaroon ng panimulang kaalaman sa tungkol sa ugnayan ng wika, kultura, at lipunan
  • mapalalim ang kamalayan sa mga isyung pangwika sa Pilipinas
  • maging kritikal sa pakikibahagi sa pagbibigay ng mga solusyon sa isyung may kinalaman sa sosyolinggwistiks sa bansa.
Prereq: Lingg 110 o Consent ng Instruktor.