Lingg 1 WFV - Ikaw at ang Wika Mo

3ng yunit (GE sa ilalim ng SSP)

Mga Layunin ng Kurso: Sa pagtatapos ng kurso, ang estudyante ay inaasahang magkaroon ng kakayahang:

  1. Matukoy at maipaliwanag ang pinagmulan, mga katangian, at bisa ng wika sa pang-araw-araw na paggamit nito;
  2. Matalakay ang kahalagahan ng wika bilang produkto ng kaalaman ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan;
  3. Matukoy ang mga ugnayan ng mga wika sa Pilipinas sa iba pang mga wika sa mundo;
  4. Masuri ang katayuan ng mga wika sa Pilipinas, gayundin ang mga problemang pangwika sa bansa; at
  5. Maiugnay sa iba pang mga larangan ang siyentipikong pag-aaral ng wika.

Lingg 125 THV - Introduksyon sa mga Pangfild na Metod

3ng yunit

Prerequisite: Lingg 110

Mga Layunin ng Kurso:

Sa pagtatapos ng kurso, ang estudyante ay inaasahang magkaroon ng kakayahang:

  1. matukoy ang kahalagahan ng pagsasagawa ng fieldwork na panlingguwistika;

  2. matalakay at masuri ang mga etikal na isyu at mga etikal na tuntunin sa pagsasagawa ng field research;

  3. matukoy ang mga kailangang isaalang-alang sa pagsasagawa ng field research mula sa mga preparasyon hanggang sa pagpoproseso ng datos; 

  4. magamit ang kaalaman at kasanayang made-develop sa aktuwal na pagkuha ng datos-panlingguwistika; at

  5. makapagsulat ng isang papel na nakatuon sa isang partikular na aspekto ng wika base sa mga nakolektang datos

Lingg 165 WFU - Ponolohikal at Morpolohikal na Pagkukumpara ng mga Wikang Pilipinas

3ng yunit

Prequisite: Lingg 115

Mga Layunin ng Kurso: Sa pagtatapos ng kurso, ang estudyante ay inaasahang magkaroon ng kakayahang:

  1. matukoy ang mga nagkakapareho at nagkakaibang mga ponolohikal at morpolohikal na katangian ng mga wikang Pilipinas (WP);

  2. ma-classify ang mga WP ayon sa kanilang mga ponolohikal at morpolohikal na mga katangian; at

  3. ma-explore ang iba’t ibang linguistic phenomena sa pagkukumpara ng estruktura ng mga WP